What's New

DepEd USec. Sevilla umani ng batikos ukol sa tulong pinansyal ng mga guro

DepEd USec. Sevilla umani ng batikos ukol sa tulong pinansyal ng mga guro

Binatikos ang Department of Education (DepEd) Undersecretary for Finance na si Annalyn M. Sevilla matapos magbigay ng pahayag sa uko sa mga tulong pinansyal na ibinibigay ng DepEd sa mga guro at kawani nito ngayong may pandemya.

Noong Huwebes May 20, 2021, tinanong ng Radyo Pilipinas si USec Sevilla:

“Hindi ba daw nabibigyang pansin ang sektor ng edukasyon ng kasalukuyang administrasyon in terms of financial assistance?”

Sinagot naman ito ni USec Sevilla sa dalawang bahagi: “Una ay pagbibigay ng suporta ng current administration sa DepEd. Alam nyo po na ang Edukasyon ay may pinakamalaking share sa ating budget at naproprotektahan ng Konstitusyon.

Almost 600 billion ang ating budget for DepEd. Tayo rin ang may pinakamarami na personnel in terms of government bureaucracy about 1 million.

Yung isang bahagi naman po ay yung financial assistance. During the Covid time tayo po thru the Bayanihan 2 has provided 4.3 billion pesos.”

Nakapaloob ng 4.3 billion pesos ng DepEd ay ang sumusunod:

a. 2.4 billion provision for laptop para sa mga 68,500 personnel including teachers (on-going);

b. 1.2 billion for mobile and internet load by June 2021 (on-going);

c. 200 million for DepEd TV (on-going);

d. 50 million for DepEd Radio (on-going);

e. 150 million for Self-learning modules (on-going);

f. 300 million subsidies and  allowance for students(on-going).

Ang pahayag na ito ay pinost ni USec Sevilla sa kanyang Facebook page na umani ng batikos ng mga netizen na kalimitan ay mga guro ng DepEd.

Bagamat sinabi naman ni USec. Sevilla na on-going pa lamang ang nakapaloob sa 4.3 billion pesos ay samo’t sari ang kumento ng mga netizen sa kanyang post.