What's New

Dagdag deployment at walang munang Christmas Party sa PNP at AFP

Dagdag deployment at walang munang Christmas Party sa PNP at AFP

Wala munang magiging Christmas party ang tanggapan ng Philippine National Police (PNP). Ito mismo ay kinumpirma ni PNP Chief Police General Camilo Cascolan sa panayam nito noong Octobe 22, 2020.

Ayon sa PNP Chief, sa halip na gumastos para sa taunang pagdiriwang ng Christmas party, pinag-iisipan nitong kanselahen muna at ilaan nalang ang kanilang magagastos sa mga pasyente sa COVID19.

I am contemplating no Christmas party for the Philippine National Police. We will understand that. Instead of using the funds for Christmas party, we will give it out for COVID patients or maybe for the COVID fund,” sabi ni Cascolan.

Dagdag pa ni Cascolan, sakaling manatili parin sa GCQ (General Community Quarantine) o ibaba na ito sa MGCQ (Modified General Community Quarantine) ang buong Metro Manila, itutuloy ng kanilang kagawaran ang pamamahagi ng food packs sa mapipili nilang benepisyaryo sa mismong araw ng pasko.

Ang mga food packs ay manggagaling pa mismo sa food bank ng kagawaran.

“If ever in December we are still in GCQ or MGCQ, at least we have the Food Bank. We will go around, we will be able to distribute food. That is coming from PNP and from the sponsors,” dagdag ni Cascolan.

Samantala dahil sa inaasahang hindi maiiwasang pagsasalo-salo at selebrasyon ngayong Christmas season, dodoblihen naman ng PNP ang deployment ng kanilang mga tauhan sa panahon ng kapaskuhan para matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Ayon kasi ky PNP Chief Cascolan, maaring tumaas ang kaso ng kriminalidad at terorismo tuwing holidays at kanila naman itong pinaghahandaan.

Matatandaan na nauna naring ipinanukala ng Metro Manila Mayors na  ipagpaliban muna ang selebrasyon ng Christmas party dahil sa pag-obserba sa minimum health protocols laban sa pandemya.

Gayun din sa tanggapan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), naglabas na ng direktiba si AFP Chief of Staff Gilbert I. Gapay sa lahat ng units at commanders ng AFP na hindi sila maaaring magsagawa ng Christmas Party. Gagamiting ang perang nakalaan sana sa seleberasyon para sa COVID19 response ng militar.